
Chapter 1: SEVERAL FLOORS APART
She’s surviving the mailroom. He’s ruling the executive floor.
They just haven’t collided yet.

Hindi pa tanghali, pero parang isang buong dekada na siyang umiikot sa mga cubicle ng Wolf Archer Finance, para magdeliver ng mga memo, sulat, at kung anu-ano pang papel na malamang ni hindi babasahin.
Para siyang modernong kartero na may sariling cart wheel. Except wala siyang kabayo, at mas marami siyang existential crisis kaysa sa Meralco bill ng bahay nila noon sa Pinas.
Mail girl siya. MAIL GIRL.
Hindi accountant, hindi financial analyst, hindi kahit na assistant ng assistant ng assistant ng accountant. Kahit pa nagpakahirap siya sa pag-aaral, nagkabisado ng debit at credit, at pinangarap na magka-cubicle din balang araw, heto siya, tagapagdala ng bad news (a.k.a. billing statements at termination letters).
Pero dapat daw maging grateful siya, ‘di ba? At least may trabaho siya! Iba nga diyan, nag-a-apply pa lang, siya, may ID na at access sa pantry.
Hindi siya tulad ng iba niyang kasamahan sa mail department na nakapasok dahil may kilala sila.
Siya? Puro utang lang ang nagdala sa kanya sa puntong ito.

Lumaki siya sa Pinas, sa pamilyang hindi naman sobrang mahirap, pero sapat lang para araw-araw suminghot ng utang ang mga magulang niya. Magulang niyang parehong empleyado ng gobyerno.
Translation: low salary, high blood, at infinite installment plans sa lahat ng bagay.
Panganay nila, CPA na at nagtrabaho sa isang malaking bangko sa Maynila. Top 10 pa sa board! Akala nila, siya na ang messiah ng pamilya. Pero isang eskandalo lang, boom! Instant tatay. Ayun, ikinasal agad sa hipag niyang teacher bago pa ito makwestiyon kung sino ang ama ng bata.
Dapat ang susunod na makakaahon sa kahirapan ay siya. Pero sino bang niloko niya?
Muntik na siyang ma-bankrupt bago pa makapasa sa board exam. Isang beses siyang bumagsak, kaya dagdag utang ulit.
Pagkatapos makapasa, inasahan niyang makakaalis siya papuntang Amerika. With the help of her Aunt.
Mayaman kasi ang Tita niya sa New York, isang successful accountant na may iisang anak.
Akala niya, tutulungan siyang magkaposisyon sa Wolf Archer Finance.
Mali siya.
Ang tulong ng Tita niya? Isa lang malaking scam! Noong dumating siya sa New York, parang horror movie ang eksena. Pinapatayan siya ng ilaw at heater, kasi raw sayang ang kuryente.
Pero kapag gusto niyang magbayad ng share, ayaw naman tanggapin. Sabi nito, ipadala na lang niya sa Pinas para bayaran ang utang.
Wow, di ba? Bait-baitan kuno, pero ang totoo, parang na-enjoy ng Tita niyang laitin siya.
Ang highlight? Yung unang araw niya sa Wolf Archer Finance. Pinagtawanan siya ng Tita niya noong nakita siyang nasa mail room.
Kung maka-side eye, akala mo siya ang may ari ng kumpanya.
Kaya after ilang buwan ng mental torture, nag-ipon siya para makalipat ng sariling apartment. Oo, pipitsugin, pero at least walang judgmental na kamag-anak.
Kahit pa minsan may nag-aaway na mag-jowa sa kabilang unit, at kahit ang kapitbahay niyang si George na may pet na ahas na hindi niya alam kung legal, at least malaya siya!

Napatingin siya sa relo—lunch break na. Diretso siya sa cafeteria para makipagkita kay Arabella, ang kaibigan niyang half-Pinay, half-American na may tatlong trabaho. Kahera sa umaga, barista sa gabi, at siguro assassin sa weekend, hindi na siya magugulat.
Bago bumaba, nagretouch muna siya. Hindi niya afford magmukhang extra sa zombie movie.
Baka isipin ng mga tao sa cafeteria, nag-a-apply siya ng bagong trabaho bilang patay.
Samantala, ilang floors sa taas...
kung saan mas makapal ang carpet, mas tahimik ang hallway, at mukhang pati hangin kailangan munang may appointment bago makapasok... Brennan Archer was having a very bad morning.
Hindi dahil bumagsak ang stock market.
Hindi dahil may milyon-milyong dolyar na nawala sa kumpanya.
At lalong hindi dahil may nagbabantang corporate takeover.
Mas malala.
Someone had put sugar in his coffee.

Tinitigan niya ang tasa sa harap niya na parang personal itong nang-insulto sa buong angkan niya.
“Who made this?”
Tahimik ang conference room.
Eight executives. Two senior financial advisers. One legal counsel. At isang pobreng executive assistant na mukhang nagre-recalculate na ng lahat ng desisyon niya sa buhay mula kindergarten.
“Sir?”
Brennan slowly raised the cup. “This.”
His assistant swallowed. “Your coffee, sir?”
“I know it’s coffee, Marianne. Hindi naman ako bulag.” Sinipat niya ulit ang tasa. “Why is it sweet?”
Oh. That.
Biglang naging interesting ang mga papel sa harap ng lahat.
May isang executive pang nag-adjust ng eyeglasses at kunwaring may napakahalagang nakita sa page seventeen ng quarterly report.
Marianne cleared her throat. “The new intern prepared it, sir.”
Brennan stared at her. “Fire her.”
“Sir!”
“I’m kidding.”
Walang tumawa.
Napakunot-noo siya. “Jesus. Do you people really think I’d fire someone over coffee?”
Silence.
One man suddenly coughed.
Brennan narrowed his eyes.
Okay. Apparently, yes.
Ganito na ba kasama ang reputation niya?
He leaned back against his chair, looking every inch the man people whispered about in elevators.
Dark three-piece suit. Crisp white shirt. Expensive watch. Hair perfectly arranged despite the fact that he had run his fingers through it at least twenty times since eight that morning.
Clean-cut. Controlled. Corporate.
At thirty-three, Brennan Henry Trevelyan-Archer had already mastered the art of looking like he knew exactly what he was doing.
Even when he absolutely did not.
“Fine.” Tinulak niya palayo ang kape. “Nobody’s getting fired.”
Marianne visibly relaxed.
“Except whoever prepared these projections.”
The man sitting three chairs away almost choked on his own saliva.
Brennan picked up the report. “Who did this?”
“Sir, I—”
“Page twelve.”
Nag-flip agad ng pages ang lahat.

“Operating expenses increased eleven percent, revenue barely moved, and somehow your recommendation is…” Tiningnan niya ang papel. Then the man. Then the paper again. “‘Maintain current strategy.’”
He blinked. “Why?”
The executive straightened. “Sir, based on our projections—”
“Your projections suck.”
May biglang napasinghap. Brennan looked toward the sound. “Did someone laugh?”
“No, sir.”
“Good. Because I wasn’t joking.”
Pero may gumalaw na sulok ng labi niya.
Damn. He was funny. Sometimes.
Nobody appreciated him around here.
Tumayo siya at lumapit sa floor-to-ceiling windows overlooking Manhattan. From up here, New York looked organized. Tiny cars moving along tiny streets. People reduced to dots. Buildings standing exactly where buildings were supposed to stand.
He liked it that way.
Order. Numbers. Predictability.
Numbers didn’t suddenly decide they needed space. Numbers didn’t cry. Numbers didn’t ask where the relationship was going.
And numbers certainly didn’t leave lipstick on his pillow before flying to Monaco.

His phone vibrated.
ELLE CALLING.
Brennan stared at it. Then flipped the phone facedown.
Not today, Satan.
“Sir?”
He turned.
Everyone was watching him.
Ah.
Right.
Meeting.
“Where were we?”
“Page twelve, sir.”
He returned to his seat.
“Fix them.”
The executive nodded rapidly. “Absolutely.”
“And I want the revised report on my desk before five.”
“Yes, sir.”
“Four.”
The man blinked. “Four?”
Brennan smiled.

