Please Enable JavaScript in your Browser to Visit this Site.

top of page
©

Suddenly it's . . . (Magic) Disaster!

Updated: Oct 29, 2023

Sabi nila, kapag nawala ang isa... buksan mo ang pinto. Baka mas maigi pa ang dumating. Pero totoo ba na applicable 'yan sa lahat?


Basahin niyo ang kuwento ni Paulina ng malinawan kayo,

Suddenly it's . . . (Magic) Disaster!
Poison Apple Lounge - Marc and Pau

He Said...


Okay na kami ng ex kong si Ara at ang pinsan kong si Race na husband niya. I knew they love each other from the start.


Pero itong utol niya na anak ng bayaw ko... ah hindi pa. Walang iba kundi si Paulina Pabularcon.


Ang laki ng problema ng isang ito. Kinarir ang pag o-overthink at pag a-analyze sa takbo ng utak ko.


Pero in fairness totoo naman ang sinabi niya. That's hard to swallow, she called me 'pasimpleng jackass'.


I know what jackass means. Pero may sarili yatang encyclopedia ang summa cumlaude na ito ng UP kaya may ibang depinisyon ito.


Malalim ang hugot ng galit ng aktibistang ito.


Kasalanan ko ba kung hindi ko alam na siya ang nahalikan ko sa UP Fair many years ago! Kung sinabi niya agad siguro, baka... baka noon ko pa itinanan ang katipunerang ito.


Masarap humalik! At parang may magic!


Paano ko ba paamuin ang reyna ng red tagging na ito? Walang epekto sa kanya kahit pasimple akong nagpapa-cute gamit ang two year old kong anak na si Eyah.


Oh my daughter loves her... ewan ko kung bakit sa dinami dami ng mga naging ex ko na nagtangkang makuha ang atensyon ng anak ko, dito pa kay Paulina napalapit.


My Casanova moves failed to work. Parati akong binabasted. Kada kilos ko, parati akong binabasag o sinosopla. Sinubukan kong tulungang mag karpintero sa barn house ni Jenny si Pau, pero gusto pa yatang ipukol sa akin ang martilyo na hawak nito.


Kulang na lang i-semento ako sa drum at itapon sa kailaliman ng dagat.


Iba ang isang ito... Mukha siyang Kawaii sa sobrang cute. But nothing about Pau is cute. Her claws are deadly.



Marcus Aurelius Mondego
Marc Mondego

She said


Seven years ago, pinangahasan akong halikan ng gagong ito. Hindi niya ako nakilala dahil naka mask ako sa UP Fair.


Pero sa halip na hanapin ang girl na pinangahasan niyang halikan... ang ginawa pa, niligawan ang kapatid ko!


Sinong hindi magagalit di ba? I had sleepless nights, and I didn't eat for days... tapos life goes on sa kanya?


Hindi tama 'yon!


Pero kung maglaro ang tadhana, naging miyembro pa rin ako ng pamilya ng tukmol na ito. Buti na lang napunta si Ara sa pinsan nitong si Race.


Eh halos magsangla ako ng kaluluwa ko sa makapangyarihan nilalang, magkatuluyan lang ang mag sweethearts na ito na minsang in-epal-an ni Marc Mondego!

Tapos ngayon biglang naging visible ako sa radar niya?


Kung hindi lang talaga napamahal sa akin ang anak niyang si Eyah, malamang laging basag sa akin ang anak ng teteng na ito.


Oo galit pa rin ako sa kanya!



(Ang themesong sa background ng fireworks sa UP Fair, seven years ago... kung saan ninakawan ni Marc si Pau ng halik!)


Buy Now!!


Related Posts

See All

Comments


bottom of page