Please Enable JavaScript in your Browser to Visit this Site.

top of page
©

Dear Future, wag mo kaming i-seen: A Satire on AI & Jobs

Updated: Sep 23

ree


Hi, ako ‘to—sweet ako in real life, promise. Pero today, dark comedy muna tayo. Kasi habang nagti-TikTok ka ng “day in my life,” si AI… naka-graveyard shift, inuubos na ang task list na pinaghirapan mong pag-aralan for four years. 🤡


Real talk: Sino ang unang tinamaan?


  • Call centers – Once upon a time, “Thank you for calling…” Ngayon: “Press 1 kung gusto mong kausapin si Robot na mas calm kaysa sa ex mo.” AI can transcribe, summarize, escalate—with mood tracking pa. Hindi napapagod, hindi umiihi break.

  • Review centers – AI now drills, grades, and explains like a hyper patient tutor na hindi nauubusan ng sample problems. May analytics pa kung saan ka laging sumasablay (hi, probability).

  • Travel agencies – Itineraries in seconds, rebooking in minutes, price watch 24/7. May chat pa na “best ramen near you at 2AM.” Sorry, ma’am/sir, na-snatch yung “hintay lang po” economy.

  • Virtual assistance – Schedules, emails, spreadsheets, social captions—para kang may limang PA na walang HMO. At oo, they remember everything (sana all).


Teachers, I see you. 🫶


Maraming guro ang napapagod hindi dahil tamad ang puso nila—kundi dahil nagbago ang mundo nang hindi tayo sinasabihan. Lahat tech-first, pero hindi lahat ng utak tech-ready. May batang visual, may auditory, may kailangan ng kwentong may kilig para maintindihan ang Physics (aminin). Kung AI ang tagapagpaliwanag, teacher pa rin ang tagapagpakatao—the one who spots the shaky voice, the lost eyes, the kid who really just needs “Anak, kaya mo ’to”.


“Obsolete na ‘ko?” Same, bestie.


Aminado ako: an AI could do my job. Pero may isa akong bitbit na hindi niya kayang kopyahin: nakakapagsulat ako ng may puso.


So ano na ang “future job”?


Entrepreneurship at content creation—pero ’yung may laman. Drawings, writing, film, music, apps, online stores, micro-SaaS, communities.“Net content” = makabuluhan at may substansya.


Hindi ’yung reels na puro sugar daddy brand unboxing (walang judgement—buhay nila ’yon; economy rin ’yan).


Hindi rin ’yung “send pang-kape” per bikini post—pinasosyal na limos is still limos. Kung trip mo ’yan, okay; pero kung career advice sa anak mo—ibang menu ang ihain natin.

Platforms? Puwedeng sarili mong site (ako, doon ko gustong ilagay—binabayaran ko taon-taon), social apps, artist hubs.


DeviantArt? Fan ako. Instant brain-spark.

Wattpad? Support ko ’yan, pero ako—DIY website girl.


“But AI can imitate art!”


Yes. AI can imitate art, but it can’t replace it. Para ’yang makeup artist sa obra mo: AI = glow-up. Ikaw = creator.

Maganda na ’yung mukha; AI adds makeup and styling.

Pero yung structure, hugot, at history—ikaw lang may alam ’nun.(Side note: Oo, gumagamit ako ng AI para i-glow up ang works ko. Tools are tools; huwag lang tools ang maging boss mo.)


Parents, ito ’yung talagang post para sa inyo


Kung career talk ang usapan: maraming trabaho today ang mawawala bukas. Masakit, mahal ang tuition, pero mas masakit ang obsolete syllabus.


Ihanda natin ang mga bata sa:


  1. Learning how to learn – mabilis mag-pivot, hindi clingy sa title.

  2. Storytelling & design – kahit engineer ka, kailangan mo magpaliwanag na tao ang kausap.

  3. Business basics – pricing, distribution, community. Passion needs a cashflow.

  4. Tech fluency – prompt craft, data sense, tool stacking (hindi kailangan maging coder to be dangerous).

  5. Ethics & empathy – ’pag lahat automated, ikaw ang natitirang konsensya.


Final memo sa sarili (at sa ’yo):


Keep evolving. Wag magpahuli sa skills. MAGBASA at MAG-ARAL kahit matanda ka na.

Kung AI ang bagyo, tayo ang arkang may pasahero: pamilya, kuwento, kultura. At kung sakaling lamunin ng algorithm ang trabaho mo—gagawa tayo ng bago. May puso. May sentido komon. May konting asar. At oo—medyo sweet. 🍰

Comments


bottom of page