Please Enable JavaScript in your Browser to Visit this Site.

top of page
©

Sister Agnes of Mother Ignacia

Updated: Jun 14, 2023

Ang love story na 36 years in the making

She said...


Sabi ng madre superyora, bata pa daw ako, pangarap ko na ang maging mongha.


Pero halos kalahati na ng buhay ko, pakiramdam ko hindi ako nababagay rito.


Na parang may naghihintay sa akin sa labas. Madalas ko nga siyang napapanaginipan, pero hindi ko makita ang kanyang mukha.


Huwag niyo nang itanong kung ano ang panaginip ko... dahil x-rated madalas ang nakikita ko! (*sign of the cross*)


Ang tingin sa akin ng iba rito ay para akong naloloka, at kung anu ano daw ang dumadapo sa isip ko. Baka daw nilulukuban lang ako ng masamang espiritu.


Subalit salamat kay Sister Katalina, ang pinaka cool na madre na nakilala ko. Pinaramdam niya na hindi pala ako nag-iisa na ganito ang pakiramdam.


Tama siguro si Sister Katalina at ang bagong recruit naming si Sister Helena. Kailangan kong lumabas para mag-isip kung tama ba ang ginagawa ko.


Wala namang masama kung paunlakan ko si Sister na tumuloy muna sa Poison Apple habang ako ay nagmumuni-muni.


Pero tila yata hindi nakatulong ang pagmumuni-muni ko nang mapadpad ako sa Poison Apple. Dahil tila nakagulo pa!


Kalapit pinto ko lang ang dating Bise Presidente ng Pilipinas na si Jose Alberto Mondego.

Bakit sa dinami-dami naman ng bahay nito na nagkalat sa buong Pilipinas, doon pa talaga sa simpleng apartment nakatira?


Madalas niyang ini-stalk ang instagram ko.


Makulit ang lalaking ito! Sa dami ng babae sa mundo, bakit pa sa madreng tulad ko?

Wala naman akong magawa dahil kasama ako parati sa kawang-gawa.


Kung hindi lang talaga ako giliw na giliw sa anak nitong si Nina 2.0, matagal ko na 'tong blinock!


Kahit i-block ko sa social media, wala rin kasi kalapit pinto ko naman!


Pero mabait at guwapo si Sir VP. Sa tuwing naririnig ko siyang nagigitara sa tabi ng balcony ko, parang may naaalala ako sa boses niya!


Parang siya iyong nasa X-Rated kong panaginip!


Siya na kaya 'yun?




He said...


Noong kabataan ko, na-inlove ako sa isang amasona.

Inampon siya ng amin Mama, para alagaan ang mga kapatid ko... at mag-espiya sa akin kapag di ako pumapasok sa university.


Araw gabi kaming nagwa-warlahan. Pero di ko maiwasang sumilip sa kanya sa duplex niya. Kasi ang lalo siyang maganda kapag galit! Lahat yata ng mahagilap niya, pinupukol niya sa akin... libro, tsinelas, Rubix cube.


Mapanakit ang babaeng ito. 🧐


Pero pakiramdam ko, may something din siya sa akin. Dahil hindi ito makikipag hampasan ng bote sa gumulpi sa akin sa bilyaran kung gusto na nito akong ma-tegi!


Rebecca ang pangalan niya, ang aking TOTGA. 🥰


Bakit siya nawala? Huwag na nating pag-usapan. At trauma sa akin ang parte na 'yan.


Fast forward, sinubukan kong mag-move on. I focussed on my political career, pinalago ko ang kompanya... Got married, and got four boys. But my marriage is far from what normal is.


Siguro, mahirap talagang muling magmahal pa, kapag hindi ka pa tapos magmahal sa nauna.


I have been on autopilot for more than three decades. (Google niyo na lang kung ano ang autopilot mode)


I missed Rebecca every single day. Wala akong ibang naiisip kundi ano na kaya hitsura ng anak namin kung nabuhay siya?


But to my surprise, si Race na aking pamangkin, pinakilala niya sa amin ang kanyang private detective... walang iba kundi si Ana Karenina Mondego. Or Nina Mondego 2.0


Isa siyang hacker at dating police sa Miami. Pinagpawisan ako ng makita ko siya. Hindi lang dahil sa pangalan niya, kundi dahil sa mukha niya.


Kamukhang-kamukha niya ang aking first at true love na si Rebecca!


Paano nangyari iyon? Namatay si Rebecca habang buntis sa aming baby!


At dahil diyan, naging masigasig ang aking paghahanap sa katotohanan.


At hindi nga ako nagkamali ng kutob, siya ang anak namin ni Rebecca.


Pero nasaan si Rebecca? Bakit niya iniwan ang aming anak sa isang ampunan?


Muntik nang mawala ang aking pag asa na mahahanap ko pa ang kasagutan.


Pero nag milagro ang nasa itaas. Kung hindi sa epic na video call ni Sister Kat sa amin sa New York, di ko makikilala ang madreng nagpakilalang Sister Agnes.


Si Sister Agnes daw siya, pero kamukhang kamukha niya si Rebecca!


Hindi ako nagpatalo sa aking anak na si Nina, kahit siya at si Cesar ang ikakasal! Kailangang matuldukan ang 36 years kong ipinaghintay sa reunion na ito!


Pero... paano ko tatawagin na reunion ito kung hindi naman niya kami naaalala?


Hindi ko akalain na madre na ngayon ang babaeng kinarir ang pangbabato sa akin ng Rubix Cube at libro kapag napipikon ito noong kabataan ko!


 


 

For Rebecca


I've been spending some time, thinking I'd be alright

Don't know if I could really make it tonight

Lie awake in the dark, come down then I start

Thinking about you is almost breaking my heart

I don't know where I went wrong or what's going on

Baby, I feel like our love's lost tonight

Should I stay, should I go? Well, I really don't know

Lately, I've been missing you so

Baby, you don't understand

Our love lies lost, but you're still holding my hand

Oh, and then you walk away

Just tonight, I want you to stay


You're turning me on, you turned me around

You turned my whole world upside down

You're turning me on, you turned me around

You turn my whole world upside down


Every time I hurt you, well, it's hurting me too

Don't know if I could really stay here tonight

Tired of thinking of you and everything that you do

Tell me, what am I supposed to do?

Well, I just wanted to say that I need you today

Tell me, it's all gonna work out alright

I don't know where I should start, but with all of my heart

Baby, let me be your lover tonight

Baby, you don't understand

Our love lies lost, but you're still holding my hand

Oh, and then you walk away

Just tonight, I want you to stay


You're turning me on, you turned me around

You turned my whole world upside down

You're turning me on, you turned me around

You turn my whole world upside down

Oh, you know (you're turning me on)

You turned me upside down (you turned me around)

You know (you're turning me on)

You turn me upside down

You're turning me on, you turned me around

You turned my whole world upside down


Love Albert

 





Gen 3 Mondego Family Tree



Comments


bottom of page