Love on the Run (From the Mob!)
- Kaye O.
- Aug 11, 2023
- 3 min read
Updated: Oct 29, 2023
Once upon a time, in a faraway land of Zambales, there lived a beautiful young chef named Casey. She had skin as white as snow, lips as red as roses, and hair as black as ebony.
Casey was kind (not really!) and gentle (lalong hindi naman!), and she loved to sing and dance. (Nakalimutan niyong i-add ang love niya ring mag rap!)

Isang araw, nagluto lang ako ng Inasal and grilled balut sauce.
Tapos wala akong kamalay-malay na pinag-prisintahan ang luto ko ng intrimitida kong Tita Carmi sa mga restaurant owners.
The Roadside Grill crew loved my cooking! Kaya kinulit-kulit ako na tanggapin ang offer na magtrabaho roon.
Not only do they love my cooking, but they love me! And I loved them too, like my family.
Oh well, maliban sa isa!
Walang iba kundi ang pamangkin ni Tita Lily na si Yago!
Latagan niyo ako kung ano ang depinisyon ko kung ano ang Toxic Boss at tingin ko ay sasabihin niyong: 'May Nanalo Na!' kapag binanggit si Sir Yago Aguirre.
Nasa bahay na ako kung anu ano pang tagubilin! Daig pa ang Marites na alam ang lahat tungkol sa akin!
Mabuti pang Diyos sampu lang ang utos, pero ang isang ito, pati yata si Moses magrereklamo!
Pero totoo naman, kaya siguro arogante ito, hindi tumalab ang kaguwapuhan niya sa akin. Hello, sanay ako mambasted ng guwapo kahit kasing guwapo pa iyang ni Willima Levy o ni Sebastian Rulli!
Hindi porke crush ko si Henry Cavill, eh gusto ko na siyang jowain!? Ganoon lang iyon kasimple, period!
May something kasi sa lalaking ito. Parang andaming sikreto. Sabi niya, Fil Am siya kaya siya inglesero. Pero hindi rin...siguro may asawa itong pinagtataguan sa Amerika kaya walang Social Media Footprints ang ungas na 'to!
Wala akong balak maging kabit!
Wait, bakit ko ba iisipin na maii-involve ako sa Kapreng Tisoy na ito!
Malapit ko na itong ma-Kuya Zone!

Ang sabi ni Tita Lily sa akin; Love is a mystery. We never know for sure if someone will love us back. But when they do, it is magic. And when they don't, it can be a tragic.
Sa tulad kong wanderer, I don't have time to overthink about Love and Magic. I got better things to do.
Like finding my purpose in solving other people's case.
I was on my Undercover mission. I am an NBI agent. Nagtayo ako ng restaurant malapit sa warehouse ng sindikatong minamanmanan ng aming operatives.
Lahat kami sa restaurant na iyon, NBI undercover maliban sa isa!
Walang iba kundi ang Bulilit naming chef. Si Casey Elizondo.
Noong una ayaw kong maniwala na magaling itong magluto. Masyado itong bata.
Mukha siyang iniluwa galing sa ibang timeline. Classic ang beauty ng aleng maliit. Maganda ang rehistro ng mukha, walang tapon na anggulo kapag ini-stalk ko sa mga CCTV.
Kung anu ano pang sinasabi, na kesyo may genetic mutation siya kaya ganoon ang hitsura niya.
Kakaiba talaga itong babaeng ito. Daming alam!

Naisip ko baka natuwa lang si Tita Lily kaya siya kinuha, dahil kamukha ito ng legendary actress na si Elizabeth Taylor. Mukha daw itong umahon sa TV screen.
Weird talaga si Tita. Umahon sa TV? Ano 'yan si Sadako!?
Masyadong fan girl kasi ng Turner Movie Classics ang NBI kong Ninang.
Pero hindi rin... tama naman si Tita. May magic sa luto ni Casey. May Ratatouille effect kapag natikman.
Tinanong ko sa kanya kung ano iyong Ratatouille Effect, eh alam ko daga si Ratatouille.
Pero galit pa na nag-explain sa akin ang bratty naming chef.
Sabi niya, may trigger sa utak kapag natikman mo ang food. It brings back happy memories when you tasted her cooking.
Dahil doon, wala itong kamalay malay na nakukuha nito ang atensyon ng sindikatong iniimbistigahan ko. Nawili ang Mob Boss sa luto ni Cassiopeia!
She is clueless that we are on the mission here at Roadside Grill.
Gusto ko na sanang tanggalin ito sa trabaho. Bawal sa amin ang untrained civilian. Mayayari ako sa itaas. Kaya gusto ko na sanang pauwiin sa kanila para mag tiktok na lang siya maghapon!
Pero makulit ang bulilit na ito. Ayaw umalis kahit anong pambu-bully ko. Palibhasa ini-spoiled ng mga NBI undercovers ko kaya kung sagot sagutin ako kala niya siya ang reincarnation ni Queen Cleopatra!
Masyadong entitled! Napaka tabil at saksakan ng sutil sa akin. Umiiral ang pagka kulot!
Masarap siyang pagmasdan, lalo na kapag kumakanta at sumasayaw kapag naglilinis na mag isa sa dining area. I would look at her at the one way mirror without her knowing it.
Pero sa loob halos ng isang taon na pakikibaka ko sa katarayan nito, naisip ko, bakit sa halip na ma turn off siya sa katabilan nito… Lalo lang akong naakit at nahuhumaling rito.
Crush ito ng dalawa kong NBI Undercover agent sa resto. Pero na Kuya Zone, kahit anong pa-pogi nilang gawin.
Teka, never niya akong tinawag na Kuya... ibig sabihin hindi pa ako naku-Kuya Zone?
Sabi ko na at type din ako ng aleng maliit na ito eh.

Comentarios