Please Enable JavaScript in your Browser to Visit this Site.

top of page
©

Lana

Updated: Aug 13, 2023

Two different worlds collide…




Alaric Mondego Fuentabella is the heir to a business empire in Texas . He is a city boy, extremely good-looking, sophisticated and used to getting his own way, in every way. His life has been mapped out from birth by his responsibilities as an heir and he didn’t mind really. He loves being on top of his game, having the power, the control and the command. He understood that his privileged life comes with specific family obligations. His mind would always rule his heart.


Until fate puts him to the test.


While hunting in a seemingly virgin forest in Toledo Bend, Texas , he meets a prairie goddess. She was straight out of his wildest fantasies, a woman of fiery temperament, with smoldering beauty that makes him weak all over and the natural sensuality that makes his blood run hot with primitive urges, something he had never felt for any woman. He wanted her on sight. He wanted her so bad it it's a constant fever in his veins, the desire to possess her.


But to possess her may mean losing his empire. For he is pledged to marry another woman, the one chosen by his family for him. To make things more complicated, his goddess is in fact an Indian Princess, the daughter of a Cherokee chieftain. And in Indian culture, nobody messes up with the princess or he’s dead. He has to fight to the death and risk losing his inheritance to claim his goddess.



 

“Push, Corazon!”

Putlang-putla na at hinang-hina si Corazon habang nagsisilang ng sanggol. Nababahala si Rosella sa delikadong kalagayan nito.

Hindi nadala sa ospital si Corazon dahil pitong buwan lang ang bata. Hindi naman nito akalain na mapapaanak ito nang ganun kaaga. Hindi naman kasi ito nagpapa-check up.

From the cabin window, a lightning struck the rainy evening sky. Pusikit ang kadiliman.

Nawalan ng kuryente dahil nagtumbahan ang mga poste sa kalye.

A tornado hit the nearby town. Buti na lang at hindi iyon dumaan sa area nila.

Pinapalis ni Rosella ang pangamba sa dibdib at itinuon ang konsentrasyon sa ginagawa. Umiri nang buong lakas si Corazon.

Lumabas ang sanggol mula sa sinapupunan nito. Nagulat siya sa nakita. Nakapulupot ang pusod ng bata sa leeg nito!

Agad niyang inalis ang nakapulupot sa leeg nito at nilinis ang bibig ng bata upang ito ay makahinga. Pero hindi tuminag ang sanggol.

Nanlulumo siyang napatingin kay Corazon.

“It’s girl, Corazon...” may pagkautal na sabi niya, nag-alangan sa sasabihin. Pero hindi tumugon si Corazon.

“Corazon?” tawag niya dito. Pero walang tugon. Tahimik ito, nakapikit ang mga mata.

Mula sa liwanag ng gasera, tinitigan niya ito. Wala ng kulay ang mukha nito at waring wala na ring hininga. Dinama niya ang pulso nito.

Lalong nanlumo si Rosella. Wala ng buhay si Corazon.

Ilang minutong namatanda si Rosella. Pagkuwa’y naalala ang sanggol na kasisilang. Ipinagpatuloy niya ang paglilinis sa bata. Pinagmasdan niya itong mabuti. Para lamang natutulog ang sanggol at tulad ng ina nito ay wala na ring buhay. Ibinalot niya ito sa kumot at itinabi sa ina nito. Nag-krus siya sa sarili.

Biglang sumulpot si Felicita, ang ang Mehikanang katulong ng mga Angeles.

Hatinggabi na. Bakit hangos si Felicita?

“Rosella, I need you!”

“Why?” wala sa sariling tanong niya.

“Señora is on labor!”

“Piandra! It’s a boy!”

Naluha sa kaligayahan si Pia Angeles. “My child!” masayang bulalas nito.

Ipinatong ni Rosella sa tiyan ng Señora ang lalaking sanggol habang pinuputulan ito ng pusod. Nakahinga siya nang maluwag dahil malakas ang palahaw ng sanggol. Ibig sabihi’y malusog ito.

“Matutuwa ang kanyang ama.” sabi niya patungkol sa asawa ni Pia, si Ricardo Angeles.

Ang mag-asawang Angeles ay may malaking bahay sa Henderson County. Pilipinong may lahing Kastila si Mr. Angeles at isang half-American Filipina si Piandra Angeles.

Isang midwife-nurse si Rosella. Palibhasa’y magkababayan naman sila, agad nitong nakalapatang loob ang mag-asawang Angeles.

Magkaibigan naman sila ni Piandra at siya ang itinuring nitong kapatid mula noon pang bagong salta siya sa Amerika. Tinulungan din siya nitong magkatrabaho sa isang community hospital.

Ibinigay niya kay Felicita ang sanggol upang malinis nito. Tumawag na sila ng ambulansya kanina upang madala sana si Piandra sa ospital upang doon manganak pero hindi pa nakakarating ang paramedics dahil sa tornado.

Natigilan si Rosella nang mapansing may dinaramdam na namang masakit si Piandra. “Piandra, bakit?” nag-aalalang tanong niya.

Napangiwi ito. “Masakit na naman, Rosella. Hindi ko na kaya...!” daing nito. Hinang-hina na si Pia nang mga sandaling iyon.

“Kaya mo ‘yan. Isa na lang!” pag-eenganyo niya.

Bumunot ng malalim na paghinga si Pia. Buong lakas itong umiri upang ilabas ang isa pang sanggol. Kasabay ng paglabas ng sanggol ang pagkawala ng malay ni Pia.

“Piandra, babae!” bulalas ni Rosella.

Pinalo niya ang bata pero hindi ito umiiyak. Kinabahan siya. Nakita rin ito ni Felicita.

“Rosella, the baby’s not breathing!” naiiyak na bulalas nito.

Nabahala si Rosella at agad na sinuri ang bata. “Oh my God, call the paramedics again, Felicita!”

Idineklara ng doctor na wala ng buhay ang babaeng sanggol na isinilang ni Piandra. Nakita ni Rosella ang kalungkutan ni Ricardo Angeles. Naluluha ito habang hinahagkan ang babaeng sanggol. Parang may ibinubulong ito sa anak.

Ang lalaking sanggol ay sinusuri ng doctor na ipinatawag ni Felicita. May dalawa pang paramedics na kasama ito. sa kabila ng masamang panahon ay nakarating rin ang mga ito. Kasalukuyang kinakabitan ng respirator ang sanggol na lalaki.

Kasalukuyang binibihisan at nililinis ni Felicita ang walang malay pa ring si Piandra nang lapitan si Rosella ni Ricardo Angeles. Hawak nito ang patay na babaeng sanggol.

“Rosella puwedeng ikaw ang mag-asikaso muna ng libing sa anak namin ni Pia?”

Walang pagdadalawang isip siyang tumango. “Oo naman, Ricardo. Ako na ang bahala sa libing ng anak mo.”

Malungkot na tumango si Ricardo. He seemed to be trying so hard not to cry in front of her. “Ayoko kasing magdalamhati nang husto si Pia pag nakita pa niya ang anak namin...”

“Nauunawaan ko.”

“Name her Alyanna.”

Kinuha niya ang sanggol na nakabalot ng kumot mula sa mga bisig ni Ricardo. May dinukot ito sa bulsa ng pantalon nito at ibinigay sa kanya. Isang panyolito. Binuksan nito ang panyolito at inilabas ang isang bracelet.

“Isama mo ito sa libingan niya,” nangingilid ang luhang sabi ni Ricardo.

Inabot niya ang alahas. May plate ang bracelet na ang nakaukit na disenyo ay letrang A. The Angeles family crest.

Ang bracelet ay may nakabaong makukulay na mga bato. Sa disenyo nito ay may nakapulupot na vines at bulalak sa letrang A.

“Ricardo, why --?”

“My wife asked a jeweller to create a pair of identical bracelets when we were at Paris. Kay Pia ang isa at ito... ay para sa anak namin...” muling naluha si Ricardo.

“Pero bakit mo ito isasama sa libing niya? Maari pa kayong—”

“Hindi na pwedeng magkaanak si Pia. May rheumatic heart disease siya noong bata pa siya. Kaya takot na takot ako nang nalaman kong inabot siya ng panganganak rito. Mabuti na lang at narito ka.”

May ibinilin pa sa kanya si Ricardo.

Muli nitong hinaplos ang sanggol at hinagkan sa noo. He saw his eyes shed with tears as he looked one last time at his precious baby girl.

At tumalikod na ito.

Tinitigan ni Rosella ang bracelet na iyon. Ikinulong niya iyon sa palad at isinilid niya sa bulsa.

 

Ang Familia Mondego ay binubuo ng magkakapatid na; Jose Gabriel, Marco Antonio, ang ampon na si Miguel Paolo (na anak naman ng isang Vera Luna na mortal na kaaway ng Familia)


At siyempre, ang bunso na si Ana Gisella (na ninakaw ng Vera Luna sa mga Mondego)


Sa nakaraan, binalak gumanti ng mga Mondego sa Familia Vera Luna. Kung kaya’t muling nag krus ang landas ng dalawang angkan.


Hanggang sa nauwi sa pag-iibigan ng inanak ng dalawang familia.


Si Jose Gabriel kay Rosangelica Vera Luna,


Si Marco Antonio kay Ana Paloma Vera Luna Elizondo.


At ang ampon na si Miguel Paolo kay Ana Gisella na isang tunay na Mondego.


Fast forward.


Ang dalawang inapong socialite ng magkapatid na Mondego ay nakapag asawa ng mayaman at maimpluwensyang Familia sa Estados Unidos.


Ana Karenina ‘Nina 1.0’ Mondego (Jose Gabriel and Rosangelica’s granddaughter) married an Archer of Wolf Archer Finance New York.


At naging anak ni Nina 1.0 at Jacob si Race Mondego Archer.


And Mineah Almira Mondego (Marco Antonio and Ana Paloma’s granddaughter) married a Fuentabella of TexaCo Oil Company.


At anak ni Mineah at Allan Fuentabella ang magkapatid na Alaric at Alena.

コメント


bottom of page