Ang Art ay Mahal: A Tragicomic Tale of a Broke Creative
- Kaye O.
- May 20
- 2 min read
Sabi nila, “Art is an expression of the soul.”
Totoo ‘yan.
Pero hindi nila sinabi na kailangan mo munang ibenta ang kaluluwa mo para sa bagong set ng markers.
Kasi ganito 'yan.
Una, bili ka ng sketchpad. “Para ma-inspire ako ulit,” sabi mo.
Pangalawa, nag-search ka lang online. “Wala kasi sa mall eh,” tapos biglang may nakita kang shop na may limited edition alcohol markers, imported, dual-tip, may sarili pang lagayan—parang may bachelor's degree.
Next thing you know, may ₱2,000 kang nabayad para sa gouache paint na hindi mo naman alam gamitin. Pero aesthetic eh.
Tapos pipilitin mong gumawa ng art kahit wala ka sa mood kasi sayang ang materials.
Pero dahil pinilit mo, panget.
Kaya lalong nawalan ka ng gana.
So what do you do? Tama.
Bili ulit ng bagong gamit.
Para ma-inspire. Para may “fresh start.”
Para i-convince ang sarili mo na hindi ka lang tamad, kundi under-equipped.
Hanggang sa umabot ka sa point na may ₱10,000 worth of art supplies sa drawer mo—lahat galing sa “Add to Cart” impulsivity attacks—at wala ka pa ring natatapos.
Pero at least, may magandang flatlay ang Instagram mo.
Sino’ng nagsabing hindi ka artist?
Art is therapy daw. Pero sa presyo ng mga gamit ngayon, parang mas mura pa magpa-therapy.
Charot lang.
Pero seryoso.
Moral lesson?
Kung gusto mong mag-art bilang hobby, siguraduhing madatung ka.
O may sugar parent.
O kaya, marunong kang mangutang na hindi ka kinakabahan pag tumatawag na si Judith. (a.k.a. due date)
Kasi let’s be real—
Walang inspiration kung wala kang bagong brush pen. At walang brush pen kung wala kang budget.
At kung wala kang budget...
Well, pwede mo pa rin namang ipinta ang hinanakit mo gamit ang dugo’t luha mo.
Literal na mixed media.
Anyway, heto na ang resulta ng pinagkagastusan ko...
Comments